Mga Tuntunin at Kondisyon

Nagagalak kaming salubungin kayo dito sa Bitcoin Buyer! Kung patuloy mong gagalugarin at ia-access ang website na ito, sumasang-ayon ka na sumunod at masakop ng mga tuntunin at kondisyon na itinakda sa ibaba, na, kasama ng aming patakaran sa pagkapribado at patakaran sa cookie, ay nagtatatag ng kaugnayan ng Bitcoin Buyer sa iyo tungkol sa website na ito. Mangyaring huwag kaagad gamitin ang website na ito kung hindi ka sang-ayon sa anumang bahagi ng mga tuntunin at kondisyon na ito.

Para tulungan kang maunawaan ang mga salitang ginamit, “tayo”, “kami”, “amin”, ay tumutukoy sa Bitcoin Buyer — ang may-ari ng website na ito — samantalang “ikaw” ay tumutukoy sa gumagamit o tumitingin sa aming website.

Pagwawaksi

Tungkol sa aming Patakaran sa Pagkapribado

Ang mga materyal ng website na ito ay sadyang idinisenyo para lamang sa layuning magbigay ng pangkalahatang impormasyon. Ang website na ito ay hindi nagbibigay ng pang-legal, pampinansiyal, pambuwis o iba pang propesyunal na payo. Hindi dapat bigyang-kahulugan ang anumang materyal sa website ng Bitcoin Buyer bilang rekomendasyon upang makagawa ng partikular na desisyon sa paggamit ng cryptocurrency, sa mga legal na isyu, mga pamumuhunan, pagmimina ng cryptocurrency, paggamit ng exchange, paggamit ng wallet o anumang iba pang nauugnay.

Pamumuhunan na may Mataas na Panganib

Ang pangangalakal ng mga cryptocurrencies ay mayroong malaking panganib at maaaring hindi ito angkop para sa lahat ng namumuhunan. Bago ka magpasya na makipagkalakalan ng mga cryptocurrency, isipin muna ang iyong mga layuning pampinansyal, antas ng karanasan at ang pagpaparaya sa panganib. Hindi ka dapat mamuhunan ng salapi na hindi mo kayang mawala dahil isusugal mong mawala ang ilan o lahat ng iyong panimulang puhunan. Kung gumagamit ka ng mga produktong pangkalakal na leveraged gaya ng mga CFD, maaari ka ring malugi ng higit pang salapi kaysa sa iyong ipunuhunan.

Promosyon sa Kalakalan ng CFD

Ayon sa PS20/10, sinimulan nang limitahan ng Financial Conduct Authority (FCA) ang pagbebenta, pagpo-promote, at pamamahagi ng mga CFD sa mga digital asset. Ipinagbawal ng FCA sa United Kingdom ang direktang pagpo-promote ng mga CFD na tumutukoy sa mga cryptocurrency noong Enero 6, 2021. Ang mga tagasuplay mula sa labas ng UK ay pinagbabawalan sa pag-aanunsiyo ng mga CFD sa mga namumuhunan sa UK. Ang mga mangangalakal ay dapat mag-ingat kapag nakikitungo sa gayong mga tagasuplay.

Iwinawaksi ng Bitcoin Buyer ang anumang at lahat ng pananagutan para sa anumang pagkalugi o pinsala kabilang na, ngunit hindi limitado sa, pagkawala ng kita na resulta nang tuwiran o di-tuwiran paggamit o pagdepende sa aming mga materyales. Lahat ng impormasyon sa website na ito ay ibinahagi taglay ang tuwid na hangarin ngunit walang mga garantiya o katiyakan patungkol sa kawastuhan nito. Ang karanasan ng bawat mangangalakal ay naiiba at ang mga resulta ay nakabatay sa kanilang kasanayan, pagtitiyaga at dedikasyon. Bago gumawa ng anumang pasiyang pampinansiyal, dapat sumangguni sa isang may-kabatirang tagapayo sa pananalapi.

Affiliate Disclosure

Ang mga affiliate link ay maaaring magbunga ng kita para sa Bitcoin Buyer. Ang kitang ito ay maaaring nasa anyo ng pera o serbisyo, at maaaring umiral ito nang walang paglahok ang bumibisita sa website. Kinikilala na kapag ikaw ay lumahok sa mga pagkilos na may kinalaman sa affiliated links, maaaring makatanggap ng insentibo ang Bitcoin Buyer. Ang nilalaman ng naka-link na mga pahina ay laging nasa pananagutan ng tagasuplay o operator ng pahina. Bunga nito, wala kaming pananagutan sa anumang impormasyong nakuha mula sa mga ibang source.

Katumpakan ng Impormasyon

Gagawin ng Bitcoin Buyer ang lahat ng makakaya para matiyak ang katumpakan ng datos sa site na ito, ngunit hindi ito dapat panagutin para sa anumang nawawala o hindi wastong datos. Lahat ng datos sa Bitcoin Buyer ay ibinibigay sa anumang kasalukuyang kondisyon nito. Kinikilala mo na ina-access mo ang anuman at lahat ng impormasyong ibinibigay dito batay sa sarili mong responsibilidad.

Mga Karapatan sa Pag-aari

Pinoprotektahan sa ilalim ng mga naaangkop na pangdaigdigang batas, inirereserba ng Bitcoin Buyer ang lahat ng karapatan sa nilalaman na ipinapakita sa website na ito. Ang mga gumagamit ng website na ito ay maaari lamang mag-access, mag-download, o maglimbag ng nilalamang ibinigay para sa kanilang ersonal na paggamit lamang.

Ikaw ay hindi pinahihintulutang gumamit ng anumang nilalaman ng Bitcoin Buyer sa anumang negosyo o pangkomersyo na pakikipagsapalaran, o kumopya, magbago, muling maglathala, o kung hindi man, magparami ng anumang nilalaman na lumalabas sa website sa anumang paraan.

Pagkapribado

Ang website na ito ay may kasamang patakaran na nagpapaliwanag sa aming mga gawi sa impormasyon at kung paano ginagamit ang iyong impormasyon. Pakitingnan ang aming pahina sa Patakaran sa Pagkapribado para sa iba pang mga detalye tungkol dito.

Mga Pagbabago sa Tuntunin

Inirereserba namin ang karapatang baguhin ang mga kondisyon na ito anumang oras. Sumasang-ayon kang masakop ng mga na-update na tuntunin kung patuloy mong ia-access o gagamitin ang aming mga serbisyo pagkatapos umiral ang mga pagbabago.

Tiyaking maingat mong binasa at naunawaan ang aming mga tuntunin at mga kondisyon bago ka magpatuloy. Ito ay kailangang basahin kasama ng aming Mga Patakaran sa Pagkapribado at Cookie.

May mga tanong ka ba? Kontakin ang aming koponan!

Ikinokonekta ka sa pinakamahusay na broker para sa iyong rehiyon...
×